62

tagalog monolog

Posted by poeticnook on 7/30/2003 01:48:00 AM in ,
mahal ko sya
pero ewan ko lang
baka hindi ko sya mahal
baka gusto ko lang syang kausap
kasi masaya syang kausap
nakakatuwa
para bang walang problema sa mundo
parang parating puno ang wallet ko
parang di ako nilalagnat pag gabi
parang matataas ang grades ko
parang malaki ang sweldo ko
parang ewan ko ba
mahal ko yata sya
o baka naman hindi ko sya mahal
siguro gusto ko lang syang kasama
masaya kasi syang kasama
para kong lumilipad
parang kaya kong lutasin lahat ng problema
parang mabubuhay na ko kahit titigan ko lang sya
parang di ko na kailangang kumain
matulog, huminga...
siguro nga mahal ko sya
pero.. paano kung hindi ko pala sya mahal?
gusto ko lang siguro syang yakapin
masarap kasi syang yakapin,
tumatalon ang puso ko
nalilimutan kong wala pa kong hapunan
at na marami pa kong utang
o na galit na ang boss ko dahil parati akong late
dahil di ako makatulog kakaisip sa kanya
kakaisip kung nasaan sya
kung kumusta na sya
kumain na kaya sya? may iba kaya syang kayakap?
sino kaya katabi nya?
tulog na ba sya? o baka naman may tinatrabaho pa..
ewan, mahal ko nga ba sya?
hindi ko naman yata sya mahal.
gusto ko lang syang katabing matulog
masarap kasi syang katabi matulog
meron akong tandayan at kayakap,
at parang mabibilang ko lahat ng bituwin sa langit
kahit may bubong ang bahay namin,
nararamdaman kong ligtas ako
yun bang hindi ako tatamaan ng ligaw na bala
pag bagong taon, o ng kidlat pag umuulan
naiisip ko rin na parang swerte ako
yun bang nanalo ng isang daang milyon sa lotto
o ng bagong t.v. sa raffle sa christmas party
mahal ko nga sya!
hindi, hindi totoong mahal ko sya
gusto ko lang na nasa mabuti sya
na masaya sya kahit iba ang kasama nya
na ok lang sa kin na di nya ko mahalin
na ayaw nya kong kausap, kasama,
kayakap, katabing matulog
hindi!
hindi ko sya mahal.,
gusto ko lang ligtas sya
at hindi pinapaiyak ng kung sino sino
gusto ko mahalin sya nung minamahal nya
at na sana lumigaya sya kahit kapiling ng iba
hindi ko naman sya mahal di ba?
handa lang akong ialay ang buhay ko sa kanya
yung pag sinabi nyang talon sa tulay,
tatalon ako talaga,
at kung sabihin nyang ayaw na nya kong makita
at may iba na syang mahal,
kaya kong yumuko, lumayo
lumakad ng dahan dahan at wag lumingon
kasi nga mahal ko sya,
ano ba! ang kulit ko naman
kasi nga di ko sya mahal
hindi ko sya mahal
hindi nga..

07.30.2003.04.48.p.m. 


***07.30.2022.04.16.a.m***
it’s been a lifetime ago since I wrote this post and I still keep receiving notifications from people who wants to use it for their monologue, feel free to use with attributions and post links to your pieces if you have any, thank you! 

Maraming salamat po!




62 Comments


alam mo bang heto yung matagal ko nang hinahanap. kasi nung 1st year at second year ako, yan ang pinang monologue ko. nanalo ako. salamat sayo. angganda nito. at dahil sa monologue na to, sumikat ito sa school, at ang tanging naaalala ko lang ay ang word na POETICNOOK. :)BTW, college na ako. naalala ko lang.


i love this monologue!!!!
can i use this one for a video presentation??? credits will be all yours :)


i love this monologue!

can i use this for a video presentation? credits are all yours :)


ano po ang title nito?


this is a nice work of literature. may i use it for a presentation this coming Linggo ng Wika. Credits to poeticnook.

Anonymous says:

wala po bang title yan ?


pasensya na po at ngayon ko lang nabasa ang mga comments nyo ^^

wala po syang title, mahirap kasi mag isip kung anong angkop sa kanya kaya tinawag ko na lang syang tagalog monolog :)

pwede nyo po itong gamitin, lagyan nyo lang po ng attribution (credits) sa may akda (poeticnook)

maraming salamat!


Hi!Grabe natuwa ako sa ginawa mo. In someways naranasan ko na rin ito. At dahil dito nainspire akong gumawa ng isang istorya na baka balang araw magawa kong pelikula kahit short lang. Meron akong audition this Thursday at wala akong alam ng monolgue piece, pwede ko ba ito magamit?


@AnkletsandBracelets pwede po :) at sana mabasa ko rin balang araw ang screenplay sa gagawin mong pelikula at mapanood sa audition ang interpretasyon mo sa monologue na ito :)


Salamat. Sure bibigyan kita ng kopya pag may screenplay na akong nagawa. :)


hello po. may i know kung sino po ang nagsulat nito? :) thank you


@jea ako po ang nagsulat nito noong 2003 :)


anyway we can follow you on fb, twitter or tumblr?


@poeticnook on Instagram :)


hihiramin ko lng po ung monolog nio gagamitin ko lng po... pwede po b sya ipang audition?? tnx po :)


@John Kenneth : sure go ahead :) just add attribution to the source, salamat!

Anonymous says:

wow!! ang galing , paheram nmn po ako nito.. gagawin ko lang po ang monologue na ito sa room namen, presentation :))

bigyan ko nlng po ng credits dun sa gumawa, (poeticnook)

Rizel Ann says:

Hello po!!Pwede ko po ba tong gamitin para sa play na gagawin ko this coming Tuesday??? Ako po kc ang representative sa UN namin kaya naghahanap po ako ng pwde kong gawin para sa talent..at ito po ang napili ko!!Gusto ko lng po tlganfg humingi ng permission nio Ms.Author..thnx po :)) Ang gondo <3


@Rizel Ann : good luck po sa talent portion :)

to everyone else who wants to use this poem, one favor po, please post your school / location so I know where you guys are from, thanks!


hi, puwede ko po ba gamitin tong monolog na to po para lang sa prelim exam ko po sa drama class po namin. don't worry po sa ipapasa po ko pong paper sa prof ko credits will be all yours po. Thanks :)


Hi, puwede ko po bang gamitin tong monolog na ito sa prelim exam ko po sa drama? don't worry po credits will be all yours ilalagay ko po sa paper na ipapasa namin sa prof po ko po.

thnaks po (:


@iambnvj : sure :) saang school ka po?


paheram po ng monolog na to.... gagamitin ko lang po sa performance task namin sa school...school ko nga po pala UST-EHS.... thank you po justine po pangalan ko thank you again.... don't worry po may credits po kayo:)


paheram po nitong monolog inspirational po kasi tapos kahit na mahaba siya sobrang meaningful naman po. gagamitin ko lang posa performance task namin sa school... UST nga po pala school ko Education High School po yung college department ko thank you po.... don't worry naman po lalagyan ko po ng credits...thnak you po :) hahaha


@justine galingan mo po ang performance :)

josielyn says:

pwede po bang gamitin itong monologue niyo? kailangan ko lang po sa presentation namin...

josielyn says:

pede po bang gamitin itong monologue niyo? ang ganda po eii.. kailangan ko lang po sa presentation namin


@josielyn sure :) saang school ka po? just add credits when you use it, ganbatte!

walangmaisip says:

haha ako pa rin yung last na nagcomment. gusto ko lang magpasalamat sa gumawa nito. hanggang ngayon, pag may auditions / monologue pc na pinagagawa samin, eto ginagamit ko. lagi akong nananalo. malapit na akong grumaduate. woohoo tenkyu dito ulit : )))))

Anonymous says:

hi po its me kimmy from Cebu Normal university. pagamit po ng monologue niyo super nice po kasi! maraming salamat po xD

Anonymous says:

hi po its me kimmy from Cebu Normal university. pagamit po ng monologue niyo super nice po kasi! maraming salamat po xD


Hello! My name is Aaron and I want to perform this for my school's multicultural themed Drama Night! I'll credit you and I'll even film it and send it to you if you'd like? Thanks in advance, I can't wait to do this on stage!


Hi! I'm Dorcas from Miriam College :) It's been 3 years since I used this piece in an audition and got accepted. All thanks to this wonderful piece :) I'm a fan :)


i can totally relate to this, down until line 56! hehe
when will i be able to say that line?

the mind has to teach the heart to think and say that line!
that difficult.

(i envy you; how i wish i can write. :D)

Anonymous says:

ngyn ko lang nakita ito,may ginagawa akong tula,almost similar yung words. <_< nakakaloka, ganda!!

Anonymous says:

Peram po ☺☺ all credits are yours ☺


Hi! Ggamitin ko lang po sana yung itong ginawa nyong monologue. Slamat po. From JRU po ako :)Para sa audition lang po. Thankyou ulet :)


Ang sarap at ang saya ng feeling nong binabasa ko to...
Cguro dahil kilig much... hehe... ang galing!
More please....

If you have new ones, email mo naman sakin para mabasa ko ha... lol.. :D

salangfrancis@gmail.com


Hi! Masaya akong meron kang ganitong nagawang monologue napaka Ganda

I'll credit this to you. coz I'll be using this po tomorrow for an audition.
Thank you!


I'll credit this to you coz I'll be using this po for an audition tomorrow. Thank you so much napaka ganda nya.


ok lang po ba if gagamitin ko po ito sa presentation namin? mag momonologue po kasi kami sa filipino. :D


It's July 2017 and I am still not yet over this!! Ang ganda talaga!!


It's July 2017 and I am not yet over this!! Ang ganda!!

Anonymous says:

Paref Southridge

Anonymous says:

Ang ganda po! Pwede ko bang gamitin as audition piece? Maraming Salamat!


Thank you po nakatulong ito sa project ko at sa aking damdamin


Hello po. Ang ganda po ng work nyooo. Medyo relate ako haha. Kung ayos lang po sa inyo, gamitin ko po sya as acting piece? Salamat po!


Came across this recently. And galing! I love your writing and how raw and real her inner life is laid out. Wondering if I can have permission to perform this at an open mic night? Iaacknowledge ko din kayo bilang author.

Anonymous says:

Hello ate pede ko PO ba syang gamitin as my piece sa monologue ko para PO sa audition


hiii ate can i use this for audition po for school? i'll credits your great work!


sure, enjoy! post videos if you can :)

Anonymous says:

Hi!

This is awesome! Asking permission to record your creations. I will ALWAYS reference your work and never claim it as my own.


Hi po ate :) can I use this po? project lang po for Filipino I’ll credits your work po :))


Hi po ate :) can I use this po? project lang po for Filipino I’ll credits your work po :))


hello, galingan nyo po 😊


this never gets old haha
hi miss.


UHM hello po. Can I use it po para po sa video presentation ko po hehe..

Thanks po...


btw for writing related content, you can find me on Instagram @fpnook


Hello po, magpapa alam po sana ako kung pwede ko po ba itong gamitin? For academic purposes po.

Anonymous says:

napunta ako dito kase sa project para kumuha ng idea then binabasa ko Bat ako naiyak HAHAHAHAH

Copyright © 2018 poeticnook All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.